Monday, September 15, 2008

Imperyong Griyego (Script)


IMPERYONG GRIYEGO

SCRIPTWRITER: Mary Alexis Solis

watch the documentation of the play here : http://www.youtube.com/watch?v=xqHLsHgmG2w

Tagapagsalaysay: Sa isang paaralan sa may probinsya ng Batangas, may dalawang makulit na bata na ayaw talagang mag-aral. Bagama’t sa ugali nila, isang milagrong maituturing ang pagkapasa nila sa hayskul. Sila ay sina Bonbon at Niknik. Matalik na silang magkaibigan mula nung ikaunang baitang sa elementarya hanggang ngayon at siguro pati na rin bukas. Ang dalawang ito ay may paboritong gawain tuwing may klase. Lagi na lang itong nauulit. Ngunit isang araw may isang pangyayari na nagpabago sa kanila.

Titser: Magandang umaga sa inyong lahat.

Mga estudyante: Magandang umaga rin po Gng. Manzanilla.

Titser: Magsiupo ang lahat. Bonbon: Hoy Niknik takas ulit tayo

Niknik: Paano?

Bonbon: Hanap tayo ng tiyempo

(Mga bata nagbubulungan.)

Titser: Ang aralin natin ay tungkol sa Imperyong Griyego

Estudyante 1: Ano ga yun?

Estudyante 2: Malay ko.

Estudyante 3: Wag nga kayo mag-ingay.

Estudyante 1: Pakialam mo.

Estudyante 2: (Napasigaw) Wag ka nga makisali.

Estudyante 3: Nagpapatahimik lang yung tao.

(Umingay na ang buong klase. Sinaway ng titser.)

Titser: Magsitahimik nga kayo. Ang ingay-ingay nyo talaga.

Bonbon: Salisi na tayo

Niknik: Kaya nga, ano pang hinihintay natin?

(Umalis ang dalawa.)

Tagapagsalaysay: Nagtungo sina Bonbon at Niknik sa isang bakanteng lote sa likuran
ng iskul sa may tabi ng balon.

Bonbon: Ang sarap ng talaga ng hangin dito, sariwa.

Niknik: Sinabi mo pa. Yan talagang si Ma’am kung ano-ano ang itinuturo.Imperyong
Griyego daw. Ano kaya yun?

Bonbon: Wag ka ngang epal. Kalimutan mo na yun. Lasapin na lang natin ang ginhawang
naiidulot ng sariwang hangin ng mga puno dito.

Tagapagsalaysay: Masayang nakahiga ang dalawa sa may tabi ng balon nang …
(Unti- unti silang hinigop ng balon. Pinipigilan ang pwersa )

Tagapagsalaysay: Sila’y tuluyang hinigop ng balon.

Tagapagsalaysay: Sa kaharian ng mga diyos at diyosa ng Olympus nagagalit si Haring
Zeus sa nangyayari sa lupain ng Griyego.

Zeus: Eirene, ikaw ang nakaatas sa kapayapaan ng lupain ng Griyego. Anong
nangyayari?

Eirene: Patawad Zeus ngunit hindi ko na makontrol ang mga digmaan sa daigdig ng
mortal.

Zeus: Ano bang dahilan ng lumalalang alitan ng mga Spartans at Athenians? Di ba’t
dati hindi ito ganito. May alitan man ngunit walang nagaganap na labanan.

Eirene: Haring Zeus, maliban sa pagkakaiba ng sistema ng pamamahala ng mga Spartans at Athenians, may isa pang malaking dahilan ay ang . . .

Zeus: Ano? Ayaw kong pinaghihintay.

Eirene: Aphrodite, ikaw na ang magsabi

Aphrodite: Zeus, ang labanan ay dulot ng pag-iibigan ni Prinsipe Paris ng mga
Athenians at ni Prinsesa Milan ng Sparta

Zeus: Isa lang ang konklusyon ng sitwasyong ito. Hindi na makontrol ng mga diyos at diyosa ng Olympus ang lupain

(Tumahimik si Zeus)

Zeus: Tama, alam ko na ang solusyon. Magpadala tayo ng mga alagad sa kalupaan.

Eirene: Ngunit sino?

(Biglang pasok ni Bonbon at Niknik)

Zeus: Sila (sabay turo kina Bonbon at Niknik)

Bonbon at Niknik: Kami?

Zeus: Oo kayo.

Bonbon: Ano? Hindi ko maintindihan. Ang gulo.

Niknik: Ako rin. Anong kami?

Zeus: Bibigyan ko kayo ng misyon sa kalupaan at dapat matapos niyo ito ng maaayos.

Bonbon: Sino ka ba at sino kayo (Sabay turo sa mga diyos at diyosa)?

Aphrodite: Tumahimik. Bigyan ng galang si Haring Zeus.

Niknik: Hari? Anong sinasabi nila?

Eirene: Bakit hindi nyo alam? At matanong ko nga, sino ba kayong dalawa at bakti
narito kayo sa Bundok ng Olympus?

Bonbon at Niknik: Kami si Bonbon at Niknik. Ano yung Bundok ng Olympus?

Aphrodite: Kami ang mga diyos at diyosa ng mga Griyego at nakatira sa Bundok ng
Olympus. At dahil sa insultong ginawa niyo kay Haring Zeus, Bonbon at Niknik wala
kayong pamimilian kundi tanggapin ang misyon.

Bonbon at Niknik: Huh? Kami? Ayaw pa rin naming

Zeus: Ares, ikaw na ang bahala.

Ares: Ang misyon o ang kamatayan.

Niknik: Sandali lang Haring Zeus, kami’y magdedesisyon pa

(Nagtago sulok)

Bonbon: Paano na yan? Papayag ba tayo?

Niknik: Ako , oo . Ayaw ko pang mamatay.


Bonbon: Sige basta ikaw ang bahala sa atin.

(Bumalik na sa mga Diyos at Diyosa)

Niknik: Sa ngalan ko at ni Bonbon, tinatanggap namin ang misyon

Zeus: Mabuti’t matalino kayo.

Bonbon: Ngunit ano nga ba ang misyon na iyon?

Aphrodite: Kailangan niyong matigil ang digmaan sa pagitan ng mga Spartans at Athenians kayo na ang bahalang umisip ng paraan.

Eirene: Bibigyan namin kayo ng isang gabi upang makapag-isip kung paano nyo
matitigil ang digmaan. Ang masasabi lang namin ay ang dahilan ng digmaan sa pagitan ng dalawa ay pagkakaiba ng kanilang pamamahala ay higit sa lahat ay ang pagtutol
nila sa pag-iibigan ni Prinsesa Milan at Prinsipe Paris. At kung maging matagumpay
kayo ay bibigyan naming kayo ng isang kahilingan.

Tagapagsalaysay: Dumating ang gabi

Bonbon: Ano ang gagawin natin? Paano na yan? Paano tayo tatakas dito?

Niknik: Alam mo ba Bonbon, hindi naman sa pagiging duwag, ayaw na akong tumakas lalo na sa klase. Naaawa ako sa mga magulang ko. Kaya kailangan natin itong ipagpatuloy
upang makuha ang hiling nilang ipagkakaloob sa atin.

Bonbon: Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka ganyan? Ngunit sabagay may punto ka rin
naman.

Niknik: O, buti naintindihan mo na rin. Tumulong ka rin kayang mag-isip kung papaano
natin ito masusulosyunan.
(Nag-isip ang dalawa)

Bonbon at Niknik: Aha!(sabay na sabay)

Niknik: May naisip ka na?

Bonbon: Oo, ikaw?

Niknik: Oo din. Sige ganito iyon (Nagbulungan sa tabi.)

Bonbon: Tama. Tama. Ipektibo yun.

Tagapagsalaysay: Kinabukasan, bumaba na sila sa kalupaan.

Bonbon: Ah! Eto pala ang sinaunang Griyego. Mabundok.

Niknik: At may lawa sa may banda roon at ilog sa likuran.

Bonbon: Bakit ang daming nagtitinda rito?

Niknik: E, di tanungin natin sila.

Niknik: Ale, ale. Anong meron dito?
Ale; Ay, may pakikipagkalakalan dito ang mga Athenians. Makikiraan at ako’y may
gagawin pa.

Niknik: Ay, salamat ho. Ano narinig mo naman siguro Bonbon.

Bonbon: Oo, pare. Dito na tayo magkakahiwalay.

Niknik: Sige pare, sumama ka na sa kanila. Basta tandaan mo yun plano natin ah. At hahanapin ko pa ang mga Spartans.

Bonbon: Niknik, kahit ano ang mangyari, tayo ay magkaibigan parin at walang
kalimutan ah.

(Umalis na ng magkabilang landas ang dalawa.)

Tagapagsalaysay: Sa may bayan ng Sparta …

Haring Vesta: Isa kang espiya ng mga taga-Athenians!

Bonbon: Mahal na Hari ako’y hindi isang espiya.

Haring Vesta: Kung gayon, ano ka?

Bonbon: Ako’y isang tagahatid ng mensahe ng mga Athenians. Ang pangalan ko’y Bonbon

Haring Vesta: Ako’y hindi naniniwala. Dakpin at ikulong iyan sa may ilalim ng palasyo.

(Biglang dating ni Prinsesa Milan)

Prinsesa Milan: Ama, huwag. Ako’y naniniwala sa kanya. Hayaan natin siyang
magsalita.

Haring Vesta: Baka naman tungkol kay Prinsipe Paris ang sasabihin niyan
Bonbon: Hindi po. Ito’y tungkol sa pakikipag-ayos ni Haring Ismael at ng mga
Athenians sa inyo.

Haring Vesta: Talaga. Paano mo ako mapapaniwala, eh isa kang espiya!

Bonbon: Kahit ipapugot niyo pa ang ulo ko. Ako’y nagsasabi ng totoo.
Haring Vesta: Sinabi mo yan ah. Pagnalaman kong ikaw ay nagsisinungaling kamatayan ang agad kong ibibigay sa sayo. O, sige saan ba daw makikipagkita sa mga Athenians?

Bonbon: Sa may tapat ng templong Parthenon sa susunod na araw.
Prinsesa Milan: Di ba iyon ay para sa diyosang si Athena?


Bonbon: Ah,eh. Tama po prinsesa.
Prinsesa Milan: Baka naman malapastangan natin ang pagkabanal ng templong iyon.

Bonbon: Hindi po. Makikipag-ayos na po ang mga Athenians. At sa labas po naman
gaganapin ang usapang pangkapayapaan.
Haring Vesta: Ngunit maalala ko lang. Hindi maaaring magpakasal ang aking anak kay
Paris.

Bonbon: Sa templo na po natin ito pag-usapan.

Haring Vesta: Sige. Ngunit pagnalaman kong ito isang patibong. Alam mo na ang
mangyayari sayo. Pansamantala, isa ka muna naming bihag.

Tagapagsalaysay: Isang malaking sugal ang ginawa ni Bonbon. Hindi naman talaga sa Hari ng Athenians nanggaling ang sinabi niya sa mga Spartans. Ito ay parte lang ng plano nila ni Niknik. Ang plano nila ay paniwalain ang dalawang kampo na makikipagbati na ang isa’t isa. Walang kasiguraduhan ang pagtatagumpay ng plano nila. Samantala sa may Athenians …
(Sa may lugar malapit sa palasyo)

Niknik: Manong san po ba dito ang palasyo ng hari?

Manong: Iho, bulag ka ba? Nasa likod mo lang.

Niknik: Ah,eh. Ang ganda. Pati na rin ang ibang arkitektura dito.

Manong: Bakit mo ba naitanong?

Niknik: Gusto kong pumasok doon.

Manong: Imposible. Ano bang pakay mo?

Niknik: Ako po’y isang tagapagbalita ng mga Spartans. May sasabihin lang ako kay
Haring Ismael at pati na rin sa anak niyang si Prinispe Paris.

Manong: Isa kang Spartans? Ikaw ay dapat dakpin.
Niknik: Manong naman. Mahalaga naman ang sasabihin ko.

Manong: Sige, aalis na ako at baka mahuli pa akong nakikipag-usap sa isang Spartan.


Blanca: Ikaw! Narinig kong gusto mong pumasok sa palasyo.

Niknik: Oo, matutulungan mo ba ako?

Blanca: Oo, trabahador ang nanay ko sa palasyo at kaibigan ko si Prinsipe Paris.

Niknik: Ako pala si Niknik. Anong pangalan mo?

Blanca: Blanca.

Tagapagsalaysay: Sa tulong ni Blanca, nakapasok si Niknik sa palasyo. At sa loob ng palasyo…

Prinsipe Paris: Dayuhan, anong pakay mo?

Niknik: Kayo po ba ang hari?

Prinsipe Paris: Hindi. Hindi mo ba ako kilala? Ako si Prinsipe Paris.

Niknik: Pasensya po Prinsipe. Nasaan ba ang hari?

Prinsipe Paris: Siya ay may sakit ngayon. Sabihin mo na ang sasabihin mo at marami
pa akong gagawin.

Niknik: Ako ay ang tagapagbalita ng mga Spartans. Makikipagbati na ang mga kampo
namin sa inyo

Prinsipe Paris: Baka ito’y isang patibong lang.

Niknik: Hindi po. Sa kamakalawa sa harap ng templo ng Parthenon.

Prinsipe Paris: Sige.

(Umalis na si Prinsipe Paris)

Blanca: Aalis ka na?

Niknik: Ah,eh. Hindi ko pa alam.

Blanca: Wag muna. Tumira ka muna sa amin.

Niknik: Nakakahiya naman.

Blanca: Hindi. Okay lang talaga hindi naman magagalit si inay.

Niknik: Sige

Tagapagsalaysay: Umaaasa sina Bonbon at Niknik na maging matagumpay ang kanilang
plano kundi pareho silang mapapahamak. Kinabukasan . . .


Prinsesa Milan: Pasensya ka na sa ama ko. Ano nga pala pangalan mo.

Bonbon: Ah,eh .Bonbon po.

Prinsesa Milan: Ang ganda, sobrang kakaiba.a

Bonbon: Pwede po bang magtanong prinsesa?

Prinsesa Milan: Oo naman

Bonbon: Ano bang mayroon sa mga Griyego?

Prinsesa Milan: Bakit mo tinatanong? Di ba isa ka ring Griyego? Dapat alam mo yun.

Bonbon: Mahaba pong kwento. Ano po ba talaga ang mayroon dito?

Prinsesa Milan: Mayaman ang kultura namin mapasining o mapapanitikan man. Mayroon ding kaming mga siyentista, manggamot at pilosopo.

Bonbon: Ah, ganon po pala. May isa pa po akong tanong. Mahal nyo po ba talaga si Prinsipe Paris?

Prinsesa Milan: Oo, kung malalaman mo lang.

Bonbon: Bakit po ba tutol sila sa relasyon niyo?

Prinsesa Milan: (mangiyakngiyak) Dahil si Prinsipe Paris ang pumatay sa aking ina sa
isang labanan.

Bonbon: Kung hindi nyo po naman mamasamain, bakit po kailangan sumama ang ina nyo sa
labanan? Di ba’t isa syang babae?

Prinsesa Milan:Dito sa amin sa Sparta, kahit mga babae ay nagiging mandirigma na rin .

Bonbon: A. sige po tatahimik na po ako. Patawad sa pagiging makulit.

Prinsesa Milan: Okay lang.

Tagapagsalaysay: Samantala sa bahay nila Blanca.

Niknik: Alam mo kahit sandali lang tayong magkakilala eh itunuturing kitang isang mabuting kaibigan, kaya may sasabihin ako sayo. Ako ay hindi talaga taga-Sparta. Ako ay galing sa hinaharap.

Blanca: Hindi kita maiintindihan

Niknik: Hindi mo naman kailangang maintindihan. Ang gusto kong sabihin ay hindi sigurado ang pagtatagal ko sa lugar na ito.

Blanca: Ha? Kung iyan man din ang katotohanan, iibigay ko sayo ang kwintas na ito upang maalala mo ako.(Sabay hubad ng kwintsa na suot niya at abot kay Niknik)

Niknik: Ang ganda. Salamat. Iingatan ko ito.

Tagapagsalaysay: Dumating na ang pinakahihintay na araw. Nagkita ang dalawang

kampo sa may harap ng templo


Haring Vesta: Sige tinatanggap ko ang inyong patawad.

Prinsipe Paris: Ha? Ang sabi sa amin ng iyong tauhanay kayo ang nahingi ng tawad sa
amin.

Prinsesa Milan: Mahal ko.

Haring Vesta: Wala akong pinapadalang tauhan. Sabi ko na nga ba! Nagsisinungaling
ang taksil na iyan.

Prinsipe Paris: Sa amin din. Mga kawal dakpin ang mapagpangggap.

(Ipinagtabi sina Bonbon at Niknik sa gitna.)

Haring Vesta: Sa kapangyarihan kobilang isang hari, pinapatawan kita Niknik ng kamatayan.

Prinsipe Paris: Ako rin. Patayin sila mag kawal.

Tagapagsalaysay: Ngunit dumilim ang langit.

Lahat ng nasa eksena: Wala akong makita

Tagapagsalaysay: At sa pagbalik ng liwanag…

Zeus: Ako si Zeus ang Hari ng mga diyos at diyosa.
(Namangha ang lahat.)

Zeus: Walang kasalanan ang dalawang ito. Narito ako upang may ialok sa inyo. Kung kayo’y magkakaayos na ay bubuhayin ko ang reyna ng Sparta at papagalingin ko ang
hari ng Athens.

(Tumahimik ang lahat)

Haring Vesta: Sige, pumapayag ako.

Prinsipe Paris: Ako rin. Ngunit sa isa pang kondisyon, wala ng tututol sa
pagmamahalan namin ni Prinsesa Milan

Prinsesa Milan: Pumayag ka na ama.

Haring Vesta: Sige ,sang –ayon ako.

Zeus: Bilang hari ng mga diyos at diyosa ng Olympus, binubuhay ko si Reyna Maltiya
at pinagaling ko naman si Haring Ismael.

Tagapagsalaysay: Dumilim ulit at sa pagliwanag wala na sina Niknik, Bonbon at Zeus.
Naging Masaya na ang mga Griyego.

Tagapagsalaysay: Samantala sa Bundok ng Olympus …

Zeus: Kahit hindi naging matagumpay ang plano nyo ay papakawalan ko na kayo at
bibigyan ng isang kahilingan dahil nakita ko ang inyong pagpupursigi.
Bonbon: Gusto naming makabalik sa totoo naming mundo.

Tagapagsalaysay: At itoy tinupad ni Zeus

Titser: Hoy Bonbon at Niknik, gumising nga kayo at bumalik sa klase ko. (Nagulat at nagising sa boses ng titser ang dalawa.)

Niknik: Opo Ma’am

Bonbon: Pare may napanaginipan ako.

Niknik: Ako din, tungkol sa Imperyong Griyego.

Bonbon: Pareho tayo ng panaginip?

Niknik: Totoo yata yon

Bonbon: Bakit mo naman nasabi?

Niknik: Nasa akin pa yung kwintas na binigay ni Blanca, yung nakilala ko doon.(Sabay hawak sa kwintas)

Bonbon: Baka nga totoo iyon.


Niknik: Takutin ba ako?

(Biglang lumingon ang titser) Titser: Ano natuto na kayo?